Mga ka-Hoops Horizon, malaking balita ang bumungad sa NBA world — Jason Tatum is back. Oo, tama ang narinig ninyo. Matapos ang nakakagulat na Achilles injury noong second round series nila laban sa New York, marami ang nag-isip na baka isang buong season siyang mawala. Pero iba talaga kapag elite competitor ang pinag-uusapan. Mas mabilis kaysa sa inaasahan ang recovery, at ngayon, posible na nating makita ang season debut niya kontra Dallas.
Si Tatum ang puso at pangunahing sandata ng Boston sa nakaraang mga taon. Isang multi-time All-NBA First Team member, consistent 70+ games per season, at bihirang tamaan ng injury. Kaya noong bumagsak siya dahil sa Achilles, parang tumigil ang mundo ng Celtics fans. Hindi lang scoring ang nawala — leadership, gravity sa opensa, at two-way impact ang biglang nabutas sa rotation.
Ngayon, ang tanong: anong version ni Tatum ang babalik? May reports na posibleng limitado muna ang minutes niya. Posible ring manggaling siya sa bench — isang bagay na halos hindi pa niya naranasan mula pa high school days. Isipin mo ‘yon. Isang franchise superstar na baka unang beses sa buong career niya na hindi agad starter. Pero kung may mindset na kayang mag-adjust, si Tatum ‘yon. Ang mahalaga ngayon ay rhythm, timing, at kumpiyansa sa paa niya.
Magandang timing din ang pagbabalik niya dahil makakaharap nila ang Dallas. At kung sakaling kulang pa ang Mavs sa kanilang key pieces, mas manageable ang matchup para sa kanya. Hindi ito pressure-cooker agad laban sa top defensive team. Perfect scenario ito para makuha niya ang feel ng laro — konting isolation, spot-up threes, mid-post touches — habang dahan-dahang binabalik ang explosiveness.
Pero huwag nating kalimutan: habang nagpapahinga si Tatum, hindi bumagsak ang Boston. Jaylen Brown has been playing at an MVP level — offensively aggressive, defensively locked in. Ibig sabihin, hindi kailangan ni Tatum na buhatin agad ang buong team. Maaari siyang mag-ease in, maghanap ng spots, at i-save ang full takeover mode pagdating ng playoffs. At kapag fully healthy na siya? Ibang level na ulit ang ceiling ng Celtics.
Samantala, may isa pang storyline na dapat bantayan — ang posibleng buyout situation ni Chris Middleton. Kapag nangyari ‘yan, asahan na may pila ng contenders. Denver, San Antonio, at maging Detroit ay nagmamasid. Oo, may decline na sa numbers niya kumpara noong Finals run years ago, pero huwag maliitin ang playoff DNA. ISO scoring, clutch shot-making, at veteran composure — ‘yan ang mga bagay na hindi nawawala overnight.
Isipin mo si Middleton sa isang contender na kulang sa half-court shot creator sa crunch time. Bigla kang magkakaroon ng safety valve kapag nabasa na ng depensa ang primary option mo. Sa playoffs, isang possession lang ang pagitan ng panalo at pagkatalo. At sa mga ganung sandali, kailangan mo ng player na hindi natitinag.
So dalawang malaking tanong ngayon, mga ka-Hoops Horizon: Gaano kabilis babalik sa dating porma si Tatum? At saan babagsak si Middleton kung tuluyang mag-buyout? Isang superstar na nagbabalik at isang champion na posibleng lumipat ng bahay — parehong may kakayahang baguhin ang power balance ng liga.
Stay locked in, dahil papasok na tayo sa pinaka-exciting na bahagi ng season. At kung ganito pa lang ang headlines, paano pa kaya kapag malapit na ang playoffs?
Also Read: Latest Trending News


